Bilang bahagi ng ika-20 taon ng Itanong Mo Sa Mga Bata Foundation ni Joel Carpio ng Hollywood Inn Restaurant sa bayan ng Odiongan sa Romblon, tumungo sila kasama ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Romblon Police Provincial Office, sa Romblon Provincial Hospital para magbigay ng libreng pagkain sa mga batang pasyente.
Batay sa bilang, mahigit 300 ang nabigyan nila ng pagkain magmula sa mga pediatric patients hanggang sa mga Staff at Nurse ng Romblon Provincial Hospital.
Kasama rin ng foundation sa pagbibigay ng libreng pagkain sina Capt. Dennis Rivera ng Provincial Drug Enforcement Unit, kasama rin sina Dr. Rey Fondevilla, at Mr. Alden Alag.
Ayon kay Carpio, ipinanalangin niya na gumaling na ang mga batang nasa pediatric ward ng ospital dahil malaking bagay sila sa lipunan layo na umano ngayo’ng sila ang itinuturing na pagasa ng bayan.
Layunin rin nila na sa kahit kaunting paraan ay makatulong sila para mabawasan ang malnutrition sa probinsya.