Isang bagong modus sa pagtutulak ang nadiskobre ng Police Regional Office MIMAROPA (PRO MIMAROPA) kasunod ng pagkamatay ng isang drug suspect sa bayan ng Odiongan, Romblon nitong Martes matapos manlaban sa mga tauhan ng PNP at PDEA sa isang buy-bust operation.
Ayon sa panayam ng Manila Bulletin kay Chief Supt. Emmanuel Licup, director ng PRO MIMAROPA, sinabi nito na ang suspek ay nanggaling pa ng Batangas at tumungo ng Romblon para magbenta ng iligal na droga.
Ang pagkamatay di umano ng suspek na si Rolanda Medina sa Odiongan ay kinumpirma ang report ng kanilang mga intelligence operatives na nagpapalitan ang mga drug pushers ng lugar o area para makaiwas sa mga pulis.
Sa source din ng Manila Bulletin, sinabi na nagpapalitan lang ng mga contacts ang mga drug pushers para iwas huli dahil hindi sila nakalista sa watchlist sa nilipatang lugar.