Isinadula nitong Good Friday sa bayan ng Calatrava kung paano naghirap ang Panginoong Hesus para mailigtas ang sangkatauhan.
Nagsimula ang dula sa St. Michael the Archangel Parish at tumungo sa iba’t ibang lugar ng Calatrava katulad ng Plaza kung saan hinatulan si Hesus, hanggang sa maglakad ang mga aktor sa kalsada dala ang krus, at sa harap ng Municipal Hall kung saan isinadula ang pagpako kay Hesus.
Dinaluhan ang nasabing pagsasadula ng mga debotong katoliko ganun na rin ng ibang relihiyon para saksihan at para mamulat kung paano naghirap ang si Hesus para matubos ang kasalanan ng mga tao.
Inaasahang gagawin ang nasabing pagsasadula bawat Semana Santa.