Itinalaga ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) si Mr. Ramon F. Reandelar bilang Indigenous Peoples Mandatory Representative at isang regular member sa Sangguniang Pambayan ng bayan ng Calatrava, Romblon.
Pinatutunayan ito ng NCIP sa inilabas nilang certificate of affirmation para kay Reandelar.
Ayon sa sulat, ang pagpili umano kay Mr. Reandelar ay alinusunod sa Section 16 ng Republic Act 8371 at sa Section 6, Paragraph 1, Rule IV ng Implementing Rules and Regulations ng NCIP.
{googleads center}
Nakompleto umano ni Mr. Reandelar ang requirement para sa selection process noong nagsagawa ng General Assembly ang mga Batoanon tribal leaders sa bayan ng Calatrava noong July 21, 2016.
May sufficient umanong patunay ang NCIP para sa pagkakatalaga kay Reandelar.
Indigenous PeoplesMandatory Representative o IMPR at miyembro ng Konseho, makakatulong si Reandelar sa pagtukoy sa mga programang direktang makakatulong sa mga Indigenous People ng bayan ng Calatrava.