May 80 percent umanong infants o mga batang nasa 1-tong gulang pababa sa bayan ng Looc, Tablas Island, Romblon ang nakakaranas ng anemia, ayon sa 2013 National Nutrition Survey (NNS).
Sa pahayag ni Dr. Mary Cristine Castro, executive director ng Nutrition Center of the Philippines, sa ABS CBN News, sinabi nitong kahit umano pababa na ang trend ng mga may anemia, may ilang lugar parin umanong merong anemia, lalo na sa mga lugar na nasa 4th class municipality.
Sinabi ni Castro na maliban sa munisipyo ng Looc, ang bayan ng Gamay, Northern Samar rin umano ay may 80% ring bilang ng total na mga batang infant na anemic.
Ang anemia ay isang deficiency sa dugo kung saan nakakatulong sana sa pag transport ng oxygen sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan.
Ayon pa kay Castro, kapag anemic umano ang bata, mas mabilis silang hingalin at mapagod dahil kulang umano ang oxygen na dumadaloy sa kanilang katawan.
“Anemic people are also more prone to infections and severe anemia is a factor for maternal death,” dagdag ni Castro.
Sinabi rin sa 2013 National Nutrition Survey na ang ang dahilan kung bakit anemic ang mga nasabing bata sa nasabing bayan sa Looc, Romblon ay nasa 40% kasi umano sa mga pregnant respondents sa lugar ay may iron deficiency.
“We need to address problems of anemia among pregnant women because it produces inter-generational consequences,” pahayag ni Castro sa ABS CBN News.
Ayon naman sa mga magulang na may iron deficiency, wala umano silang oras para kumuha ng mga iron supplements na ipinamimigay ng gobyerno sa mga health clinics dahil malayo rin umano ang kanilang lugar.
Ang ilan naman, sinasabi na busy umano sila sa trabaho kaya hindi na nakakuha ng iron supplements.
Patuloy naman ang ginagawang kampanya ng Department of Health para ma-address ang mga katulad nitong issue. Ayon kay Secretary Paulyn Ubial, mas nilalapit nila ang mga health center sa mga tao.
“We are aiming to have more health centers with complete facilities in far-flung areas because even if we have enough supplements, it’s useless if the people won’t get them,” pahayag ni Sec. Ubial sa ABS CBN News.