Mahigit 110 kabataan mula sa mga bayan ng Looc, Odiongan, at Santa Fe ang lumahok sa libreng 2-day Next Level VolleyCamp na isinagawa sa Looc Covered Court noong Agosto 1 at 2.
Ang volleyball clinic ay itinaguyod sa pamamagitan ng sponsorship nina Sangguniang Panlalawigan Member Bing Solis at Radyo Natin Looc, at pinangunahan nina Coach Alfred, Coach Dexter, at Coach JM.
Sa loob ng dalawang araw, sumailalim ang mga kalahok sa iba't ibang pagsasanay na nakatuon sa pagpapahusay ng kanilang mga pangunahing kasanayan sa volleyball, kabilang ang tamang teknik, footwork, ball control, at disiplina sa laro.
Ayon sa mga organizer, layunin ng VolleyCamp na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang atleta na mapaunlad ang kanilang kakayahan sa volleyball sa pamamagitan ng libreng dekalidad na pagsasanay mula sa mga bihasang coaches.
Inaasahan ding magsisilbing inspirasyon ang programa upang mas marami pang kabataan sa Romblon ang mahikayat na makilahok sa sports at magkaroon ng mas malawak na oportunidad na mapaunlad ang kanilang talento sa volleyball.



































Discussion about this post