Nabigyang kaalaman sa pangkabuhayan ang 18 na mga miyembro ng ARYA Coconut Farmers Association MPC at The Lamb Shall Lead International sa “training on meat processing” na ginanap kamakailan sa Municipal Hall ng bayan ng Calatrava, Romblon.
Ang “training on meat processing” ay naglalayong makapagbigay ng mga pagsasanay sa mga kooperatiba ng magsasaka at magkaroon ng pagkakataong makapagsanay ng libre kaugnay sa mga bagong teknolohiya sa pagpoproseso, produksiyon at pagkakakitaan.
Ang libreng pagsasanay ay pinangunahan ng dalawang eksperto mula DOST-FNRI na sina Josefina T. Gonzales at Filipiniana B. Bragas sa pakikipagtulungan ng Provincial Science and Technology Center (PSTC) – Romblon at LGU Calatrava.
“Hangad po natin na mabigyan ng kabuhayan ng lahat ng ating mamamayan upang makatulong sa kanilang pangangailangan. Sa pamamagitan ng ganitong training na ibinibigay ng DOST-FNRI, matututo ang ating mga kababayan sa paggawa ng iba’t ibang produkto mula sa karne na kanilang pagkakakitaan o maaaring nilang ibenta,” pahayag ni Mayor Marieta F. Babera.
{googleads right}
Ang mga kalahok ay dalawang araw na tinuruan ng wastong paraan sa pagpoproseso ng skinless longganisa (pork and chicken), tocino, corned beef at beef tapa upang magamit nila ang kanilang natutunan sa paghahanapbuhay at pagtatayo ng kanilang sariling negosyo.