Dalawang mahinang pagyanig ng lupa o lindol ang naramdaman nitong gabi ng March 04 sa ilang bayan sa Tablas Island, Romblon.
Ang unang pagyanig ay naramdaman bandang 10:36 ng gabi habang ang ikalawang pag galaw ng lupa ay naramdaman bandang 10:40, halos apat na oras matapos ang unang pagyanig.
Ayon sa mga reporters ng Romblon News Network, naramdaman ito sa mga bayan ng Ferrol, Odiongan, at San Andres.
Wala pa namang report ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kaugnay sa mga naramdamang pag galaw.
Ilang netizens naman ang nagbahagi sa Facebook na kanilang naramdaman ang pag galaw ng lupa.