Aabot sa mahigit 100 ang nagtapos kahapon sa iba’t ibang training program na pinagkaloob ng Technical Education and Skills Development Authority Romblon (TESDA-Romblon) sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit ng Odiongan.
Ginanap ang graduation ceremony sa Odiongan Covered Court sa Odiongan Public Plaza kung saan dinaluhan ito ng mga opisyal ng TESDA-Romblon at ni Mayor Trina Firmalo-Fabic.
Ang ilan sa mga training na ibinigay ay ang paggupit, facial make-up, foot spa, at manicure at perdicure. Ang mga nagtapos rito ay nakakuha ng Hairdressing NC II at Beauty Care NC II.
Nagkaroon rin ng training para sa Cake Making kung saan ang nagtapos rito ay nakatanggap ng Bread & Pastry Production NCII; Service Small Enginer System & Components, nakatanggap sila ng Motorcycle/Small Engine Servicing NCII; at Mainint & Repair Cellular Phones kung saan nakatanggap ang mga nakapagtapos ng Consumer Electronics Servicing NC II.
Ang mga Certificates na kanilang natanggap ay maaring magamit nila sa pag-apply ng trabaho sa mga TESDA accredited offices o sa abroad.