by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Friday 13 May 2016
Naging maayos at mapayapa sa pangkalahatan ang ginanap na halalan sa buong lalawigan ito ay ayon mismo sa pamunuan ng Romblon Police Provincial Office (RPPO).
Sinabi ni Police Superintendent Raquel M. Martinez, chief, police community relations ng RPPO na walang ‘untoward election-related incidents’ na naitala noong Mayo 9 National and Local Elections.
Naging katuwang aniya ng PNP Romblon ang mga kawani ng Maritime Police at Philippine Army upang magbantay sa mga polling centers o voting places bago pa magsimula ang halalan hanggang sa matapos ito.
Kanyang pinasasalamatan ang lahat ng mga ahensiya ng gobyernong naging kaagapay sa pagtataguyod ng Secured and Fair Election (SAFE) dahil malaki umano ang naging bahagi ng mga ito upang matamo ng lahat ang mapayapang halalan.