by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Thursday, 17 September 2015
Nasunog ang balat ng apat na magkakapatid na Solis, residente ng Barangay Busay, San Jose, Romblon matapos tamaan ng kidlat kahapon.
Ayon sa magkakapatid, kumakain sila ng hapunan ng biglang nag brownout at biglang may pumasok na kidlat sa loob ng kanilang bahay.
Nakilala ang apat na magkakapatid na sina, Emily Solis, Evelyn Solis, Edgardo Solis, at Erwin Solis.
Agad na dinala ang magkakapatid sa San Jose Municipal Hospital sa Isla, at inilipat naman kanina ang tatlo kanila sa Romblon Provincial Hospital sa bayan ng Odiongan sa Tablas Island.
Ayon naman sa mga unang rumesponde sa bahay ng magkakapatid, nagkabutas ang semento ng bahay nila dahil sa tumamang kidlat, nagkawasak-wasak rin ang mga wirings ng kanilang mga appliances dahil sa pangyayari.
Ligtas na ngayon ang apat na magkakapatid at nagpapagaling na.
Halos 24 Oras ng tuloy-tuloy ang nararansan na ulan sa bayan ng San Jose dahil sa epekto ng Inter Tropical Convergence Zone.