by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Monday, 21 September 2015
Ang Office of Civil Defense (OCD) Regional Office IV-B sa pakikipagtulungan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ay nagsagawa ng four-day training on Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) sa lalawigan.
Lumahok sa nasabing pagsasanay ang mga Disaster Risk Reduction Management officials at responders na ginanap kamakailan sa Haliwood Hotel, Odiongan, Romblon.
Ipinaliwanag ni Nieves Bonifacio, Assistant Regional Director ng OCD Mimaropa ang kahalagahan ng RDANA upang mapabilis ang pagresponde sa anumang kalamidad na tatama sa probinsiya, gamit ang metodolohiyang binuo ng Association of South East Asian Nations (ASEAN).
Ang sistemang ito aniya ay magagamit ng DRMMCs bago at pagkatapos tumama ang kalamidad sa isang lugar upang magkaroon ng sistematiko at epektibong pagtugon ang gobyerno sa mga dumarating na sakuna.
Dapat aniya na magkaroon ng sistematikong pagpaplano at palitan ng impormasyon para mapagbuti ang rescue at relief operations. Mababawasan din aniya ang pagkawala ng buhay at pinsala sa ari-arian.
Tinalakay sa mga kalahok ang konsepto ng RDANA, kung paano ito binuo, ang layunin nito, mga prosesong dapat sundin at ang pagkakaugnay nito sa Philippine DRRM System. Kabilang din sa mga hinimay sa pagsasanay ang concept of operations and assessment methodologies, and determine the preparations for an RDANA mission.
Ang naturang pagsasanay ay dinaluhan ng mga MDRRMOs, mga miyembro ng PDRRMC at mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na kinabibilangan ng Department of Education (DepEd), Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Public Works and Highways (DPWH), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Red Cross (PRC), Philippine Army (PA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Philippine National Police (PNP), Kabalikat Civicom, Provincial Health Office (PHO) at Provincial Government Department Heads.
Inaasahan ng OCD 4B na pagkatapos ng pagsasanay na ito ay magiging force-multipliers ang mga kalahok upang makatulong sa lalawigan kapag dumating ang panahon na ang RDANA ay kinakailangan.