Isang residente ang nailigtas mula sa pagkalunod sa Sitio Colis, Barangay Caluncaon, San Andres, Romblon noong Biyernes ng gabi sa isinagawang rescue operation ng San Andres Municipal Police Station kasama ang mga residente.
Batay sa ulat ng San Andres PNP, nakatanggap ng impormasyon ang kanilang tanggapan hinggil sa insidente ng pagkalunod sa nasabing lugar. Agad na rumesponde ang mga pulis na sina PCMS Brian C. Cabral, PMSg Josepher A. Fontijon, PCpl Ralph Justin M. Vergara, Pat Mark Anthony M. Obrique, at Pat Rommin-JB M. Cortez.
Matapos mailigtas sa tubig, agad binigyan ng paunang lunas ang biktima ni PCpl Vergara mula sa San Andres Station Health Unit. Ang biktima ay dinala sa San Andres District Hospital para sa karagdagang gamutan.
Ayon sa pulisya, ligtas na ang kalagayan ng biktima at patuloy na nagpapagaling sa ospital.
Discussion about this post