Nagsagawa ng community outreach activity ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Romblon District Jail sa Cajimos Elementary School bilang bahagi ng kanilang programang Tulong sa Komunidad, Bayang Maunlad.
Pinangunahan ni Jail Inspector Fatima M. Rabino, Jail Warden ng Romblon District Jail, ang aktibidad kung saan aabot sa 50 batang mag-aaral sa kindergarten ang nakatanggap ng mga school supplies.
Sinundan ito ng isang feeding program at storytelling session na may layuning isulong ang kaalaman sa pagbasa ng mga bata.

Nagsagawa rin ng dental health demonstration para maturuan ang mga bata ng wastong paraan ng pagsesepilyo.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng advisory class at pamunuan ng paaralan.
Layon ng programa na suportahan ang mga mag-aaral sa aspeto ng edukasyon at kalusugan bilang bahagi ng pangkalahatang kampanya ng BJMP sa pakikilahok sa mga gawaing pangkomunidad.