Inihayag ni re-elected Vice Governor Armando Gutierrez na siya ay bukas na makipagtulungan sa papasok na administrasyon ni Trina Firmalo-Fabic matapos ang eleksyon.
Sa kanyang statement, sinabi nito na ang pakikipagtulungan niya sa bagong administrasyon ay para sa kapakanan at ikakabuti ng buong lalawigan.
“Hangad ko ang isang progresibo at payapang pamayanan para sa aton tanan,” pahayag nito.
Nagpasalamat din ito sa mga suportang nakuha sa muli nitong pagkapanalo bilang bise gobernador.
“Sa ibinigay ninyo sa akin na bagong mandato bilang inyong Bise Gobernador, makaka asa po kayo na hindi ko bibiguin ang inyong mga mensahe ng hiling na good governance para sa ating minamahal na probinsya,” aniya.



































