Sa kanyang pagbabalik-bayan noong Abril 8, binigyang-inspirasyon ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato U. Solidum Jr. ang mga mag-aaral at guro ng Philippine Science High School – MIMAROPA Region Campus (PSHS-MRC).
Sa isang personal at makabuluhang talumpati, hinikayat ni Secretary Solidum ang mga iskolar ng Pisay na maging mga lider na hindi lang matalino kundi may malasakit, disiplina, at puso para sa bayan. Ibinahagi rin niya ang suporta ng DOST sa pamamagitan ng mga scholarship, pagsasanay, at pagpapatayo ng mas maayos na pasilidad.
Nagkaroon din ng open forum na tinawag na “Pisaytanong” kung saan sinagot ni Solidum ang mga tanong ng mga estudyante ukol sa agham, kalamidad, at edukasyon.
Bumisita rin si Solidum sa itinatayong Academic Building 2 na hango sa disenyo ng DOST logo, at nagkaroon ng pagpupulong kasama ang mga lider ng paaralan para palakasin pa ang edukasyong STEM sa rehiyon.
Kasama niya sa pagbisita sina Engr. Jerry B. Mercado ng DOST MIMAROPA at Director Marcelina V. Servañez ng DOST PSTO-Romblon.
Discussion about this post