Nabigyan ng probation si dating Mayor Lemuel Cipriano ng Concepcion, Romblon, limang taon matapos siyang hatulan dahil sa ilegal na pag-appoint ng isang municipal treasurer noong 2019.
Ayon sa ulat ng Daily Tribune, pinayagan ng korte ang kanyang aplikasyon para sa probation, na nagpapahintulot sa kanya na hindi na makulong kapalit ng pagsunod sa mga kundisyon ng korte.
Ang kasong kinaharap ni Cipriano ay may kaugnayan sa pagtalaga niya ng isang opisyal na hindi dumaan sa tamang proseso ng Civil Service Commission. Bagama’t napatunayang may sala, pinayagan siyang mag-apply para sa probation dahil ito ang kanyang unang pagkakasala at hindi ito kabilang sa mga mabibigat na krimen.
Sa ilalim ng probation, kailangang sumunod si Cipriano sa mga itinakdang kondisyon ng korte, kabilang ang regular na pag-uulat sa probation officer at pag-iwas sa anumang paglabag sa batas.
Ang probation ay bahagi ng layunin ng sistema ng hustisya na bigyan ng pagkakataon ang mga first-time offenders na magbagong-buhay at maiwasan ang pagkakakulong.
Discussion about this post