Naglatag ng artificial coral reefs ang pamahalaang panlalawigan ng Romblon, katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sa Sitio Bolocawe, Barangay Agmanic, Sta. Fe, Romblon ngayong huling araw ng Marso.
Ang nasabing proyekto ay naglalayong mapanatili at mapayabong ang marine biodiversity sa lugar, lalo na ang populasyon ng mga isda.
Sa pamamagitan ng artificial coral reefs, mabibigyan ng bagong tahanan at pangitlugan ang mga isda at iba pang yamang-dagat, na makakatulong sa patuloy na pagdami ng kanilang bilang.
Benepisyaryo ng proyektong ito ang Agmanic Fisherfolk Association, na aktibong nagtaguyod ng pangangalaga sa yamang-dagat sa pamamagitan ng paglulunsad ng Agmanic Fishery Management Area.
Layunin ng programa na mapanatili ang balanseng ekosistema sa lugar at tiyakin ang sapat na suplay ng isda para sa susunod na henerasyon ng mga mangingisda.