Patuloy na lumalapit sa kalupaan ng Luzon ang bagyong Pepito na ngayon ay isang typhoon. Sa huling advisory ng PAGASA nitong alas-5 ng umaga, ang bagyong Pepito, na may international name na Man-yi, ay malapit na ring maabot ang Super Typhoon category.
Huling namataan kaninang alas-4 ng umaga ang bagyo sa layong 220km Silangang Hilagang Silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 175 km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 215 km/h. Gumagalaw ang bagyo sa direksyon na kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 km/h.
Dahil sa banta ng bagyo, nakataas na sa lalawigan ng Romblon ang tropical cyclone wind signal #1. Dahil dito ay makakaranas ng malakas na hangin ang probinsya sa mga susunod na oras. Ilang lugar naman sa Luzon ay kasalukuyang nasa Signal #3 at #2, ayon sa PAGASA.
Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Catanduanes gabi ng Sabado or Linggo ng madaling araw.