Mula alas-5 ng umaga ngayong Sabado, November 16, ay pinagbabawalan na ng Philippine Coast Guard ang paglalayag ng lahat ng sasakyang pandagat sa lalawigan ng Romblon. Ito ay dahil sa nakataas nag tropical cyclone wind signal #1 sa Romblon dahil sa banta ng bagyong Pepito.
Pinayuhan na ng Coast Guard Station Romblon ang lahat ng sasakyang pandagat kasama na ang mga mangingisda na gawin na ang mga precautionary measures para masiguradong ligtas ang kanilang mga sasakyan.
Inaasahang ibabalik din sa normal na operasyon ang biyahe at paglalayag ng mga sasakyang pandagat kapag gumanda na ang sea at weather condition sa probinsya.
Ayon sa PAGASA, ang Romblon na kabilang sa mga nasa signal #1 ngayon ay posibleng makaranas ng malakas na hangin.