Muling namahagi ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 400 residente ng Odiongan at Looc sa ilalim ng kanilang Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) program.
Pinangunahan ng DSWD Social Welfare and Development Team (SWADT) sa Romblon ang pamamahagi ng tulong, kasama si Rep. Rey Reyes ng Anak Kalusugan Partylist at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Odiongan.
Tumanggap ang mga benepisyaryo ng P5,000 cash aid mula sa pamahalaan na naglalayong magbigay ng tulong sa mga pamilyang labis na nangangailangan.
Layunin nito na matulungan ang mga Odionganon at Loocnon sa kanilang pang-araw-araw na gastusin at makabangon mula sa hirap na dulot ng pandemya at iba pang sakuna.