Ang bayan ng Odiongan ay kasalukuyang nakararanas ng malawakang water interruption matapos masira ang main pipeline ng Odiongan Water District dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan at pagtama ng isang malaking sanga ng puno sa mismong linya ng tubig.
Apektado ng insidente ang buong Poblacion ng Odiongan, pati na ang mga Barangay Dapawan, Poctoy, at Budiong. Dahil dito, pansamantalang makararanas ng walang suplay ng tubig sa mga nabanggit na lugar.
yon sa pahayag ng pamunuan ng Odiongan Water District, kanilang ginagawa ang lahat ng makakaya upang agad na maisaayos ang nasirang tubo at maibalik ang normal na daloy ng tubig sa mga apektadong barangay sa lalong madaling panahon. Ang mga tauhan ay patuloy na nagtatrabaho sa lugar ng insidente upang mapabilis ang pagkukumpuni ng nasirang tubo.
Pinapayuhan ang mga residente na mag-ipon ng tubig mula sa mga posibleng alternatibong mapagkukunan habang inaayos ang problema. Patuloy din silang magbibigay ng mga update tungkol sa progress ng pagkukumpuni at oras ng muling pagbabalik ng tubig. (PR)