Iniimbestigahan na ng Odiongan Municipal Police Station at ng pamunuan ng Odiongan National High School (ONHS) ang naganap na rambol ng mga estudyante sa labas ng paaralan kamakalawa.
Ayon sa opisyal na pahayag ng Odiongan Public Information Office (PIO), inendorso na nila ang video ng insidente sa mga nabanggit na ahensya upang masusing imbestigahan at matukoy ang mga sangkot, upang mabigyan ng nararapat na aksyon.
Kinondena ng lokal na pamahalaan ng Odiongan ang ganitong uri ng karahasan at mariing ipinahayag na walang lugar ang bullying at pananakit sa kanilang bayan. Naninindigan ang mga opisyal na dapat magkaroon ng isang ligtas at payapang kapaligiran para sa lahat ng estudyante.
ADVERTISEMENT