Matapos matukoy ang bagong mga kaso ng mpox sa bansa, pinalawak ng Department of Health (DOH) ang mga gabay para sa pag-iwas, pagtukoy, at pamamahala ng sakit na ito.
Hinihimok ng DOH ang publiko na iwasan ang malapitang kontak, lalo na ang pakikipaghalikan, yakap, o sekswal na ugnayan sa mga taong posibleng may mpox.
Pinapaalalahanan din ang mga tao na ugaliing maghugas ng kamay at linisin ang mga bagay at lugar na maaaring kontaminado. Dapat ring umiwas sa kontak sa mga hayop, lalo na sa mga posibleng nagdadala ng virus.
Ang mga biyahero naman ay pinapayuhan na sumunod sa mga patakaran ng kalusugan sa mga paliparan at daungan.
Ang mga healthcare worker ay inaatasang magsuot ng tamang personal protective equipment (PPE) kapag humaharap sa mga kaso ng mpox.