Kamakailan ay aabot sa 61 na mga child laborers sa Romblon ang nahandugan ng munting regalo ng DOLE Mimaropa at ng Public Employment Service Office Managers’ Association of Romblon.
Ang mga batang child laborers ay nagmula pa sa mga bayan ng Alcantara, Ferrol, Looc, San Jose at Sta. Maria na siyang namonitor ng DOLE Romblon na patuloy na nagtatrabaho sa kabila ng kanilang murang mga edad.
Nagkaroon ng maikling programa na ginanap sa bayan ng Ferrol kung saan nagkaroon ng mga seminars at talakayan na may layunin na wakasan ang child labor sa probinsya.
Karamihan sa mga bata ay nakatanggap ng bag, school supplies, school uniform at sapatos na angkop naman sa papalapit na muling pagbubukas ng klase. Habang ang ibang bata naman ay nakatanggap ng mga laruan, grocery packs at damit.
Ang programa ay bahagi ng paggunit ng ahensya sa 2023 World Day Against Child Labor.