Ngayong National Disaster Resilience Month nagpaalala ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Odiongan na maging handa sa lahat ng sakuna na posibleng tumama sa bayan.
Kabilang na dito ang naitalang sunod-sunod na lindol noong nakaraang mga buwan, at ang kasalukuyang nararanasang sama ng panahon dahil sa hanging habagat na pinalakas ng Super Typhoon Egay.
Sa ginanap na Kapihan sa PIA Romblon, sinabi ni OIC Edgar Solano ng Odiongan MDDRMO na ang pagiging handa ay malaking bagay para makaiwas sa casualty sa mga sakuna.
Nagsagawa na ang MDRRMO Odiongan nitong buwan ng July ng mga programang may layuning palakasin at katatagan ng mga komunidad katulad ng information caravan at iba pa.
Maliban umano sa paghahandang inihahanda ng pamahalaan, dapat rin umanong ang publiko ay handa rin sa sarili. Aniya, kung may sakuna, alamin ang dapat gawin at tumawag sa hotline ng mga MDRRMO sa kani-kanilang lugar.