Mas pinalakas ng pamahalaang panlalawigan ang mga programa nito para sa mga rehistradong persons with disability (PWD) sa buong probinsya kasunod nang paggawa ng opisina ng Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) na tututok sa mga PWD sa lalawigan.
Sa panayam kay Cyril Dela Cruz, ang bagong talagang PDAO head ng probinsya, sinabi nito na ngayong 2023 ay dinagdagan ni Governor Jose Riano ang pondo para sa iba’t ibang programa para sa mga may kapansanan kagaya ng social pensions, at livelihood assistance.
“Mas tinutukan natin yan ngayong taon at sa susunod na taon ay papadagdagan pa natin dahil direktang tulong ito sa tao,” pahayag ni Dela Cruz.
Bahagi ng pinalakas nilang programa ay ang pagkakaroon ng mga ugnayan sa iba’t ibang paaralan sa probinsya para maabot ang mga batang nag-aaral na may mga kapansanan na kailangan ng atensyon ng kanilang opisina.
Panawagan ni Dela Cruz sa mga PWD, tumungo na sa kanilang Municipal Social Welfare and Development Office at magparehistro na para matanggap nila ang mga benepisyong kaloob ng pamahalaang panlalawigan.
“Huwag po tayo mahiya na magparehisto na may kapansanan dahil sa panahon na ito ay hindi na kinakahiya ang ganun. Dahil marami ang benepisyaryo na puwedeng makuha kung kayo ay rehistrado sa tulong ng iba’t ibang programa at batas kagaya ng Republic Act No. 7277.