Tinalakay ng mga opisyal ng tatlong lalawigan ang posibilidad ng isang “sisterhood agreement” upang mapalakas ang ugnayan sa turismo at ekonomiya ng Romblon, Aklan, at Capiz.
Ayon kay Romblon Provincial Tourism Officer Kim Faderon, napag-usapan ang naturang inisyatiba sa ginanap na Aklan-Romblon-Capiz (ARC) Cultural Exchange Program kung saan dumalo ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan mula sa iba’t ibang probinsya.
Layunin ng panukalang kasunduan na higit pang paigtingin ang koordinasyon sa tourism promotion at economic activities sa pagitan ng tatlong lalawigan.
Kabilang sa mga dumalo sa aktibidad sina Sangguniang Panlalawigan Member Herminio Mortel, Abner Perez, Cary Falculan, Indigenous Peoples Mandatory Representative Ireen Roa, Maria Rhosarean Solis, at Provincial SK Federation President Brosh Stevan Malay.
Sa ngayon, nasa paunang yugto pa lamang ang usapan hinggil sa naturang kasunduan, at inaasahang masusundan pa ito ng mga susunod na pagpupulong.



































Discussion about this post