Pormal nang pinasinayaan at binasbasan ngayong April 23, 2026 ang bagong slaughterhouse ng lokal na pamahalaan ng San Agustin na matatagpuan sa Sitio Sawang, Barangay Dubduban.
Pinangunahan ang seremonya nina Mayor Aaron James Stephen Madrona kasama ang dating Punong Bayan ng San Agustin na si Mayor Denon Madrona Jr., mga miyembro ng Sangguniang Bayan, department heads, kawani ng munisipyo, at mga Punong Barangay.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang bagong pasilidad ay may mga kagamitang idinisenyo upang maisagawa ang mas organisado at kontroladong proseso ng pagkatay ng hayop, alinsunod sa mga itinakdang pamantayan sa kalinisan at sanitasyon.
Layunin din ng proyekto na matiyak ang pagsunod sa humane handling practices at mapanatili ang kalidad ng karne na ipinamamahagi sa merkado.
Inaasahan ng LGU na makatutulong ang naturang slaughterhouse sa pagpapabuti ng sistema ng pagkatay sa bayan, gayundin sa pagpapatupad ng mga pamantayan sa kalusugan at kalinisan sa komunidad.



































Discussion about this post