Nagsimula na noong weekend ang Supplementary Feeding Program para sa mga batang nagaaral sa Child Development Centers at National Child Development Center sa bayan ng Corcuera, Romblon.
Ito ang inanunsyo ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Ayon sa MSWDO, layunin ng programa na matulungan ang mga batang mababa ang timbang na mabigyan ng tamang nutrisyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkain, bitamina at iba pa.
Kabilang sa mga ipamimigay nilang pagkain ay mga tinapay, itlog, bigas, de lata, at iba pa.
Ang SFP ay nasa 11th cycle na ngayong taon.