Isinailalim ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa Tropical Cyclone Wind Signal #1 ang lalawigan ng Romblon dahil sa banta ng bagyong Quinta na huling namataan sa layong 440km East ng Virac, Catanduanes.
Inaasahang magla-landfall sa Bicol Region mamayang gabi o bukas ng umaga bago tatawid sa Sourthern Luzon area.
Posibleng Martes ng umaga o hapon pa ito lalabas ng Philippine Area of Responsibility.
Nakataas rin ang Signal #1 sa mga probinsya ng Catanduanes, Sorsogon, Albay, northern portion ng Masbate (Mobo, Uson, Milagros, Masbate City, Baleno, Mandaon, Balud, Aroroy, Dimasalang) kasama ang Burias at Ticao Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Quezon, Laguna, Rizal, Batangas, Cavite, Metro Manila, southern portion ng Bulacan (Hagonoy, Paombong, Malolos City, Norzagaray, San Jose del Monte City, Santa Maria, Pandi, Balagtas, Guiguinto, Bulacan, Meycauayan City, Bocaue, Marilao, Obando, Calumpit, Plaridel), southern portion ng Pampanga (Masantol, Sasmuan, Lubao, Macabebe), Bataan, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque at Northern Samar.
Taglay ni Quinta ang lakas ng hangin na aabot sa 55km/h malapit sa gitna na may bugsong aabot sa 70km/h.
Inaasahang ngayong araw ay magdadala ng moderate hanggang heavy rains ang bagyo sa Bico Region, Calabarzon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Marinduque, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, at Biliran.
Pinapaalalahan ng Pagasa ang publiko namaging handa sa nasabing bagyo.