Tuluyan ng tinanggal ang storm signal sa lalawigan ng Romblon matapos lumabas ng landmass ng Luzon ang bagyong Ofel.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling nag landfall si Ofel sa Torrijos, Marinduque bandang 7:45 kagabi.
Inaasahang hihina ito sa isang Low Pressure Area sa loob ng 12 hanggang 24 oras habang nasa West Philippine Sea.
Wala namang naiulat sa probinsya ng Romblon na nasawi dahil sa bagyo bagama’t naramdaman ito sa probinsya.
Umaga palang ay nagpaulan na ang bagyo na nagsanhi ng brownout sa ilang lugar sa isla ng Sibuyan Island, Romblon.
Sa bayan ng Odiongan, Romblon naman bumuhos ang malakas na ulan bandang alas-10 ng umaga na naging dahilan upang suspendehin ang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong opisina sa bayan. Ilang motorista naman ang pahirapan sa pag-biyahe sa gitna ng ulan.
Sa Magdiwang naman, tinanggal na mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga tent na tinutuluyan ng mga LSI sa pantalan para kunan ng rapid test. Ito ay para hindi liparin ang mga ito ng malakas na hangin.