Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong ala-5 ng umaga ng May 14 ang signal #1 sa anim na bayan sa Romblon dahil sa bagyong #AmboPH, na patuloy na lumalapit sa Northern Samar.
Ayon sa Pagasa, ito ay ang mga bayan ng Banton, Corcuera, Romblon, Magdiwang, Cajidiocan, at San Fernando.
Maliban sa ilang bahagi ng Romblon, nakataas rin ang Signal #1 sa mga probinsya ng Marinduque, Quezon, Cavite, Laguna at Batangas, Biliran, ilang bahagi ng Samar, ilang bahagi ng Eastern Samar, at ilang bahagi ng Leyte (Calubian, San Isidro, Tabango, Villaba, Leyte, Kananga, Capoocan, Carigara, Barugo, San Miguel, Babatngon, Tunga, Jaro, Alangalang, Sta. Fe, Tacloban City, Palo, Pastrana, Dagami, Tabontabon, Tanauan, at Tolosa)
Nakataas naman ang Signal #2 sa Catanduanes, ilang bahagi ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, San Jose, architorena, Presentacion, Caramoan, Calabanga, Bombon, Magarao, Canaman, Camaligan, Gainza, Pamplona, Naga City, Milaor, San Fernando, Minalabac, Pili, Ocampo, Tigaon, Bula, Baao, Sagñay, Iriga City, Buhi, Nabua, Balatan, at Bato), Ticao Islands (San Pascual, Claveria, Monreal, San Jacinto, San Fernando, Batuan, Aroroy, Baleno, Masbate City, Mobo, Uson, Dimasalang, Palanas, Cataingan, at Pio V. Corpuz), ilang bahagi ng Samar (Tarangnan, Catbalogan City, Jiabong, Motiong, Paranas, San Sebastian, Hinabangan, Tagapul-an, Almagro, atSto. Niño), at central portion ng Eastern Samar (Sulat, San Julian, Borongan City, Maydolong).
Signal #3 naman sa Northern Samar, northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Maslog, Dolores, Oras, San Policarpio, Can-avid, at Taft), at ilang bahagi ng Samar (Calbayog City, Sta. Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, Matuguinao, at San Jose de Buan).
Huling namataan ng Pagasa kaninang alas-5 ng umaga ang mata ng bagyong #AmboPH sa layong 230km East ng Catarman, Northen Samar, taglay ang lakas ng hangin na 150km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 185 km/h.
Inaasahang magla-landfall ang bagyong #AmboPH sa northeastern portion ng Northern Samar mamayang hapon o gabi bago pumunta ng Sorsogon.
Inaasahang bukas, May 15, mararanasan ang moderate to heavy rains sa probinsya ng Romblon, Northern Samar, Quezon, Aurora, at Marinduque.