Habang malaki ang panganib ng COVID lalo na sa Metro Manila, marami sa ating mga kababayan ang gustong makauwi at makapag trabaho pabalik ng ating probinsiya. . Isa nadin sa kanilang rason ang pagdami ng mga online jobs na pwede nilang gawin kahit nasa probinsiya sila. Ngunit, sa ngayon, wala pang pasilidad na makakapag bigay sakanila ng maayos na internet at kompurtableng workplace para magawa nila ang kanilang trabaho.
Ngayon, ay mawawaksan na ang kanilang pangamba, at pwedeng pwede na silang manatili dito sa Odiongan dahil sa pagbubukas ng kauna-unahang Coworking/Costudy space sa buong probinsiya, ang Bayay Coworking space sa Maulion Bldg., Tabin-Dagat Odiongan, Romblon, sa taas ng J&T Express.
“The vision of building a space in my hometown comes from my own pain point, Tuwing umuuwi ako from Manila every other week, ang hirap makahanap ng decent internet, or even cafes with good internet connection. Gustuhin ko man na magstay longer, I can’t” sabi ni JP Bayang, Founder and CEO of Bayay Coworking, Costudy and Innovation space.
“Another thing is, madaming entrepreneurs na hindi pa afford magrenta ng space, magbayad ng tubig at kuryente para makapagtayo ng sariling opisina nila, higit sa lahat, madami ding studyante na nangangailangan ng study hub para sa educational resources nila, we want to bridge these gaps” dagdag pa niya.
Bayay Services:
Bilang isang coworking space, inaaccommodate ng Bayay ang mga manggagawa, studyante o mga entrepreneurs na nangangailangan ng espasyo,mabilis na internet at higit sa lahat, ang mentorship na tanging sa Bayay nila makukuha.
Kabilang sa mga serbisyo nila ay ang Hourly, Daily, Weekly at Monthly na space rental na kung saan ay makakagamit kana ng unlimited fiber internet, at may libreng unlimited coffee and juice.
Hanggang sa May 25, 2020, narito ang kanilang discounted rates:
- 1 Hour 50Php
- 6 hours 200Php
- Whole Day 250Php
- Whole week 1,000Php
Long term space rental starts at Php4,000.00 a month including use of meeting rooms, free printing services, unlimited coffee, juice and water, at pwede nilang marehistro ang kanilang negosyo gamit ang address ng Bayay Coworking space.
Maari din silang magavail ng:
- Meeting Room (good for 10 people) – 450Php/hour
- Events place rental (Good for 25 -30 people)
- Premium Business consultation (200/session)
Kung ikaw ay negosyante na hindi kailangan ng opisina ngunit kailangan ng address at tanggapan upang makapagrehistro ng negosyo, maari mong i-avail ang virtual office services (1000Php/month) at mailagay ang Bayay Coworking space bilang tanggapan sa iyong mga legal na dokumento).
The Coworking Business
Hindi orihinal na nagmula ang ideya ng coworking spaces sa founders ng Bayay.
Simula 2005, ay madami narin sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ang mayroon coworking spaces. Ngunit ayon kay JP Bayang, hindi lang isang coworking space ang bayay. Ito din ay isang Innovation hub na nais tulungan ang mga negosyante, at balak maging negosyante na mataguyod ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng mentorship sa iba’t ibang aspeto ng negosy tulad ng Business and Operations Management, Marketing, Tech, and Product Development.
Nais din nilang maging premiere internship hub and aggregator para sa mga studyante na nais mag OJT at maexperience ang pagtatrabaho sa iba’t ibang startups, corporations at NGOs.
The Bayay Team
Ang Bayay team ay pinangungunahan ng kanilang Founder and CEO na si JP Bayang, native ng Batiano, Odiongan, Romblon at kasalukuyang Head of Operations ng isa sa pinaka kilalang Financial Technology Company sa bansa, Qwikwire. Kasama niya sa pag tayo nito si Kyle Aquinio, isa ding taga Odiongan na nagtatrabaho sa Qwikwire bilang isang Senior Software Engineer. Sa kasalukuyan, ang operasyon ng Bayay ay papamahalaan ni Janice Dalisay, Kristha Gay Formilleza at Drew Fetalvero bilang Operations Manager and Community and Operations associate.
Ayon sa kanila, Sa kasalukuyan ang Bayay Coworking space ay sinisigurado na lahat ang kanilang mga customers at kanilang mga staff ay sumusunod sa patakaran ng Gobyerno upang
Sinosuportahan din nila ang slogan ng Bayan “Odiongan: Your heart, your home, your future” at hinihikayat ang mga indibidwal na bumalik sa Odiongan, doon magtrabaho, at patuloy na tulungan ang bayan para umunlad.