Simula sa darating na May 16, tatanggalin na ang buong probinsya ng Romblon sa general community quarantine (GCQ), kasunod ito ng pag apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter-agency Task Force Resolution No. 35 kagabi.
Ang Romblon gayun rin ang iba pang probinsya sa Mimaropa ay kinokonsidera ng IATF na low-risk sa pagkalat ng coronavirus disaese 2019 o Covid-19.
Bagama’t wala ng GCQ, ipapairal parin sa lalawigan ang pagsunod sa minimum health standard katulad ng pagsusuot palagi ng face masks sa labas ng bahay at pagkakaroon ng physical distancing sa iba.