Nakatanggap na ngayong araw ng P5,000 na cash assistance mula sa Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ilan pamilya sa Barangay Canyayo, Mat-i at Pandan sa bayan ng Santa Fe, Romblon.
Ang bayan ng Santa Fe na binubuo ng 11 na Barangay ay inaasahang makakapagbigay ng ayuda sa target na 2,651 na pamilyang naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon dahil parin sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Batay sa datus ng DSWD-Romblon, may aabot sa P13,254,500 na pondo ang kanilang ibinaba sa bayan ng Santa Fe at kinakailangan nila umano itong maipamigay agad sa mga pamilyang apektado ng ECQ.
Inaasahang matatapos ang pamimigay ng ayuda sa bayan bago mag-Sabado.
Samantala, bukas na rin magsisimulang mamahagi ng mga ayuda ang mga bayan ng Looc at Odiongan sa Tablas island, Romblon.