Nakiisa ang mga estudyante ng Alcantara National High School sa Alcantara, Romblon sa ginanap na Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong umaga sa gitna ng masamang panahon.
Ang senaryo, alas-9 ng umaga ay kunwari may tumamang magnitude 7.1 na lindol sa lugar dahil sa paggalaw ng Tablas Fault, dahilan upang may ma-trap na mga bata sa mga paaralan.
Sabay-sabay na nag dock, cover, and hold ang mga bata at dahan-dahang naglakad patungo sa isang open space ng paaralan.
Samantala, agad namang gumawa ng command center ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng bayan ng Alcantara para doon ilatag ang gagawing rescue operations para sa mga batang na trap sa loob ng paaralan.
Pinakita sa senaryo ang pagbibigay ng first aid sa mga bata, hanggang sa pagsugod sa bata sa hospital.
Layunin ng drill na maging handa ang mga estudyante, lokal na pamahalaan, at mga recues kung sakaling may tumamang ganito kalakas na lindol sa probinsya.