Idineklara na ng Department of Health at ng Department of Agriculture ang probinsya ng Romblon bilang isang Rabies-Free Zone, base sa rekomendasyon ng Regional Rabies Prevention and Control Committee (RRPCC).
Tinanggap ang parangal ngayong araw ni Dr. Paul Miñano, hepe ng Office of the Provincial Veterinarian (ProVet), kasama ang mga representatives mula sa iba’t ibang bayan ng Tablas Island na idineklara ring rabies-free zone ngayong araw.
Ayon kay Miñano, malaking karangalan para sa probinsya ang natanggap na pagkilala at maging ikalawa sa rehiyon ng Mimaropa kasunod ng Marinduque na maideklarang rabies-free zone.
Hindi umano natatapos ang pagpapagod ng mga tauhan ng Office of the Provincial Veterinarian at ng mga local government unit dahil dapat mapanatili ng probinsya ang estado na ito. Magpapatuloy umano ang pagbabantay sa mga pantalan at iba pang pwedeng daanan ng mga asong walang papeles mula sa mga karatig probinsya.