Halos 5,000 na turista ang inaasahang dadagsa sa bayan ng Odiongan para sa selebrasyon ng Kanidugan Festival ngayong taon, ayon sa isang opisyal ng Municipal Tourism Office ng Odiongan nitong Lunes, March 25.
Sa panayam ng Romblon News Network kay Mary Jude Gabat, tourism office ng Odiongan, may tinatayang 3,000 hanggang 5,000 na bisita ang tutungo sa Odiongan mula March 30 hanggang April 08 para tunghayan ang mga aktibidad ng buong Kanidugan Festival.
Handang-handa na umano ang local na pamahalaan ng Odiongan para sa ika-15 taong pagdiriwang ng Kanidugan Festival lalo na pagdating sa mga hotels, supply ng pagkain, at tubig.
Sinabi rin ni Gabat na layunin ng Municipal Tourism Office na maliban sa mapadami ang mga turista na bibisita sa Odiongan ay makapagbigay rin sila ng income sa mga residente nito kaya binuksan na nila ang Baratilyo, at Night Market nitong nakaraang linggo.
Magbubukas rin umano sa Odiongan’s Children Park and Paradise ng AgriTrade Fair sa unang araw ng Abril.
Narito ang schedule ng Kanidugan Festival ngayong taon: