Wala ng magawa ang tatlong kalalakihan ng sila’y masilo dahil sa pag bebenta ng bawal na gamot sa magkahiwalay na anti-illegal drug buy-bust operation na isinagawa ng kapulisan ng bayan ng Naujan at Victoria Oriental Mindoro sa magkasunod.
Unang naaresto ang isang 18 anyos na magsasaka na si Bryan Aldovino Moran, ng mabentahan niya ang isang poseur buyer ng isang plastic sachet na may lamang pinahihinalaang shabu sa Sitio Mararayap, Brgy. Pinagsabangan 1 sa bayan ng Naujan noong December 15. Ayon na hepe ng Naujan MPS, nakuha din sa pag iingat ni Moran ang isa pang sachet na naka balot sa dilaw na papel at ang P500 marked money.
Sumunod na araw December 16, dalawang lalaki naman ang natimbog dahil din sa pag bebenta at pag gamit ng bawal na droga.
Sa ulat ni Victoria MPS Chief PSI Jemorie Vergara, ang mga suspek na sina Christopher Ocong Eguia, 41 anyos, isang tubero at si Wilfredo Valdez Macalalad alyas Jun, 41, welder ay kanilang hinuli ng mabentahan nila ang isang police agent sa bahay ni Macalalad sa Sitio Tamaraw, Brgy. Poblacion 3 habang.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang tatlong maliit na plastic sachet na may lamang pinahihinalaang shabu, drug paraphernali, isang cellphone, at ang P500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Ang mga suspek ay nakakulong na ngayon at nahaharap sa kasong pag labag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Itinanggi ng tatlong suspek ang mga paratang laban sa kanila.