Idineklara ng National Museum ang Boac Cathedral bilang Important Cultural Property (ICP) kasama ng ilan pang mga simbahan sa buong Pilipinas.
Ang titulong ICP ay ibinibigay sa mga may-ari o nangangasiwa ng ari-arian o istruktura na may kinalaman sa kultura at artistiko at makasaysayang kahalagahan sa Pilipinas.
Ang simbahan ng Boac ay itinayo noong taong 1792 na kung saan pinaniniwalaan ng mga tao na ang simbahang ito ang tumaboy sa pananakop ng mga Moro noong ika-1800 taon.
Bukod pa sa Boac Cathedral ay idineklara rin ng National Museum of the Philippines ang higit sa 40 na mga lugar sa bansa bilang National Cultural Treasures (NCT) at ICP, karamihan ay nagmula sa isla ng Camiguin sa hilagang Mindanao.
Ang Batas Republika Blg. 10066, na kilala bilang National Cultural Heritage Act of 2009, ay tumutukoy sa mga NCT na may katangian ng kultura na nagtataglay ng natitirang halaga ng kasaysayan, kultura, pansining at/o pang-agham na mahalaga sa Pilipinas. (PIA-Mimaropa/Marinduque)