Sinisigurado ng Romblon Provincial Mining Regulatory Board (Romblon-PMRB) na nagagawa ng mga kompanya na sangkot sa quarrying operation ng marble sa bayan ng Romblon na nagkakaroon ng rehabilatation sa mga lugar o bundok na nakakalbo na dahil sa operasyon.
Yan ang pahayag ni Engr. Reynaldo Angel De Juan ng Provincial Mining Regulatory Board ng makapanayam ng mga mamahayag nitong Lunes, May 21, sa Kapihan sa PIA-Romblon.
Ayon kay De Juan, kasama sa mga plano ng mga kompanya na nagsasagawa ng quarrying operation sa Northern Part ng Romblon Island ang pagkakaroon ng madalas na tree planting activity sa mga lugar na tapos na nilang kunan ng marmol.
“Ang tinitingnan kasi natin jan ay kung napatutupad ba yung batas, so far, as per report ng ating mga technical personnel from Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), compliance ang company [quarriers] sa pinasa nilang financiat at rehabilation program,” pahayag ni De Juan.
Naglabas ng pahayag si De Juan kasunod ng reklamo na natanggap ng kanilang opisina patungkol sa pagiging ‘eyesore’ ng kalbong bundok na makikita pagpasok mo ng kapitolyo ng probinsya.
Aniya, wala naman umanong ipinapaabot sa kanilang opisina ang Provincial Tourism Office na reklamo patungkol sa sinasabi nila na nakaapekto sa turismo ng probinsya ang pagiging ‘eyesore’ ng ilang bundok na kinalbo dahil sa pag-quarry ng marble.
Sinabi rin ng PMRB na mahigpit sila sa pagbabantay ng mga quarry sites katunayan naman rito ang pagpapasara ng 5 marble quarry sites sa Romlon noong 2016 dahil sa paglabag ng ilang kompanya sa ipinatutupad na batas ng kanilang opisina.
Maliit pa lang ang nagagalaw na quarry sites sa Romblon
Nagpahayag rin si Engr. Reynaldo Angel De Juan ng Provincial Mining Regulatory Board na wala pa umano sa 1/4 ng mga possible marble quarry sites sa bayan ng Romblon ang na-ooperate sa ngayon.
“Sa Romblon? Ay marami pa, kasi marami pa sa Romblon yung mga abandon marble mining sites, actually yung mga na-oopeate ngayon ay wala pa sa 1/4 yan,” pahayag ni De Juan sa mga mamahayag.
“Phenomenon na kasi yan, hindi natin ma-explain kung bakit hindi nauubos. Wala pa tayo sa mundo, marble quarrying sites na ang mga yan eh,” dagdag ni De Juan.