Ayon sa isang inpormante, halos fully booked na umano ang mga hotel at hostels sa bayan ng Odiongan, kung kaya’t dinadala na lamang sa bayan ng Ferrol na pinakamalapit sa Odiongan ang mga hotel o accomodation bookings. Ito ay kaugnay ng nalalapit na 3rd MIMAROPA Festival na gaganapin sa bayan ng Odiongan ngayong darating na November 20-25, 2017.
Wala namang duda, ang ganitong malaki, lalo pa’t regional level na event ay tiyak na magdadala ng mga opportunities sa bayan o lugar kung saan ito gaganapin. Subalit hindi lang opportunities ang maaaring dala nito kundi maging ang tinatawag nating ‘risks’. Maaari natin itong isa-isahin.
Opportunities
- Syempre, unang-una ang opportunity sa komersyo sa pangkalahatan. Tiba-tiba íka nga ang mga hotel sa Odiongan at malapit na bayan. For sure, libo ang mga bisitang inaasahang halos sabay-sabay na darating at maninirahan sa Odiongan at karatig na bayan.
- Hindi rin naman matutulog lang ang mga bisita kundi kailangan nilang kumain. Kung kaya’t sigurado na magiging patok din ang mga restaurant sa bayan o mga barangay na malapit sa poblacion.
- Kailangan ding mag happy-happy ang marami dyan sa mga bisita kung kaya’t magiging patok din for sure ang mga entertainment places sa bayan, tulad halimbawa ng mga karaoke bar.
- Syempre, marami din sa mga bisita ang bibili ng mga souvenir items kaya patok din for sure ang mga nagtitinda ng mga souvernir at memorabilla items.
- Magiging mataas din ang demand sa mobility at transportation kaya patok for sure ang mga tricycle/light tricycle.
- Magiging mataas din ang demand for sure sa communication, kaya papatok din ang mga nagtitinda ng mga loads sa mga mobile phones.
- Magiging mataas and demand para sa mga bayad na serbisyo, tulad ng mga nagta-transport, porter, nagmamasahe at iba pa.
Sa pangkalahatan, ang festival ay magiging barometro din ng lokal na pamahalaan upang masilip ang pangangailangan ng LGU kaugnay sa turismo at kung papaano ito mapaghahandaan o maisusulong. Kasama rin syempre ang maipamalas ng bayan o ng lahat ng participating provinces ang kani-kanilang produkto, kalinangan, turismo, at iba pa.
Kung may mga opportunities, mayroon din itong kasamang mga risks o risgo lalong-lalo na kung hindi ito mapaghahandaan. Isa-isahin natin.
- Tataas ang demand sa kuryente lalo sa mga peak hours. Kung hindi handa ang electric cooperative o NPC para sa kailangang supply ng kuryente, malamang magkaroon ng madalas na brown-out. Kailangang ang mga hotel/hostels ay dapat magkaroon ng standby na electric generator.
- Traffic sa kalsada dala ng maraming sasakyan at mga tao. Well, nakita naman natin may mitigation plan na ang Odiongan LGU na ginawa upang e divert ang traffic, o pamahalaan ito.
- Pananamantala ng mga nagbibigay ng ‘paid services’ tulad ng mga tricycle, porter, at iba pa. Dahil nga na mataas ang demand, maaaring maging dahilan ito upang samantalahin ng mga nagbibigay ng bayad na serbisyo tulad ng mga sobrang paniningil sa pasahe. Kung kaya’t dapat e monitor ito ng kinauukulan.
- Pananamantala ng mga magnanakaw. Dahil nga sa dami ng inaasahang tao na darating, maaaring ang mga kawatan ay magsamantala rin. Sabagay, so far walang kaso ng ‘snatching’ sa bayan ng Odiongan, bagama’t kamakailan lang ay may nai-report na nakawan sa mga tindahan. Kaya’t kailangang ang mga may-ari mismo ng mga hotel/hostels ay higpitan ang kanilang security, paganahin ang mga CCTV at e monitor ang labas-pasok ng mga tao sa kanilang establisemento. Pareho lang ang dapat ding gawin ng mga may-ari ng tindahan at iba pang negosyo.
Sa pangkalahatan, kung ang mga risks ay hindi mapapamahalaan ng maayos at maitama, maaaring ito ay magdulot ng negative impression against sa bayan o lalawigan, ayon sa magiging karanasan ng mga bisita.
Ganun pa man, naniniwala po tayo sa kakayahan ng ating mga lokal na pamahalaan at ng Provincial Government sa pangunguna ni Gov. Lolong Firmalo kasama ang pakikiisa at pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na maisasakatuparan ang 3rd MIMAROPA Festival sa bayan ng Odiongan nang matagumpay, at mas marami ang pakinabang ang magiging dulot nito.