Todo indak ang mga residente ng Banton Island, Romblon nitong September 09 kasabay ng pagdiriwang ng kanilang bayan sa Biniray at Sadawan Festival 2017. Ang nasabing Festival ay bahagi ng pagkilala ng mga taga-Banton kay Saint Nicholas de Tolentino.
Maraming bisita galing sa ibang isla ang dumayo ng Banton para manood ng makukulay na performance na pinaghandaan ng mga Bantoanon. Nag-ikot rin ang mga performer paikot sa kanilang bayan.
Maliban sa streetdance meron ring Biniray na kung saan pumarada ang makukulay na pumpboat at barko na dumadaan ng Banton Romblon.
Nagkaroon rin ng Sanrokan sa Town Plaza kung saan nag-abutan ng mga gulay at ulam ang mga locals, ito’y sabay-sabay rin nilang kinain.
Todo naman ang binigay na siguridad ng Banton Municipal Police Station upang mapanatili na ligtas na magsisimula at magtatapos ang nasabing pagdiriwang.
{googleads center}