Kahit na papaunti na ang mga klase ng mga pating, ilan paring mga mangingisda ang hindi maiwasang makahuli nito lalo kung nalambat na.
Sa bayan ng Alcantara, ilang mangingisda ang nakahuli sa halos 200kls na pating o tiger shark nitong umaga ng Linggo, August 06.
Nahuli umano ang pating sa karagatang sakop ng Barangay Guiob ng nasabing bayan.
Sa halip na ibalik sa dagat ang pating, ginayat o kinatay nila ito at ibinenta sa kalapit barangay.
Ayon sa Republic Act 8550, o Philipine Fisheries Code of 1998, ipinagbabawal ang pag huli sa mga threatened or endangered species.
Base sa Marine Wildlife Watch of the Philippines na kung saan nakalista ang mga threatened o endangered na species, tanging whale shark, oceanic whitetip shark, scalloped hammerhead shark, great hammerhead shark at smooth hammerhead shark sakop ng batas.
Ayon naman sa Fish Base, nasa vulnerable status na ang mga tiger shark o kakaunti nalang ang mga lahi nito.
Wala pang batas sa ngayon ang nagbabawal sa pagbebenta o pagkatay ng tiger shark kahit na nasa vulnerable status na ito sa Fish Base.
{googleads center}