Na perwisyo ang mga estudyante ng Romblon State University Main Campus ng malakas na ulan na bumuhos sa bayan ng Odiongan sa Romblon ngayong hapon na nagtagal ng halos isang oras.
Binaha ang ilang bahagi ng paaralan dahil sa ulan, ang isang estudyante nga ginamit na ang lagayan ng mga bote makapaglakad lang. Ang nasabing lugar ay mababa at dito naipon ang tubig na binuhos ng ulan.
Ilang kanal rin sa nasabing bayan ang umapaw at binaha ang ilang kalsada dahil dito.
Umabot ng 47.2mm ang rainfall na naitala ng Weather Philippines sa Odiongan ngayong hapon.
Muling nagpaalala naman ang mga awtoridad sa mga nakatira sa malapit sa ilog at budok na maging handa sa maaring flasfloods at landslide.