Mahigit isang daang miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) at Odiongan Sidecar Drivers Association (OSDA) ang nakatanggap ng fuel subsidy mula kay Sangguniang Bayan Member Don-Don Fernandez nitong Linggo ng hapon, April 26.
Pinangunahan ni Fernandez, katuwang ang kaniyang anak, ang pamamahagi ng tulong na nagmula sa kaniyang personal na pera bilang tugon sa kahilingan ng mga drayber na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon sa mga benepisyaryo, nakatulong ang naturang ayuda upang maibsan ang gastusin sa krudo na direktang nakaaapekto sa kanilang araw-araw na kita at kabuhayan.
Ang pamamahagi ay isinagawa sa Odiongan, kung saan tiniyak na naging maayos at mabilis ang distribusyon ng tulong sa mga kwalipikadong miyembro ng transport sector.
Kabilang ang sektor ng transportasyon sa mga pinakaapektado ng oil price hikes, dahilan upang magsagawa ng iba’t ibang inisyatiba ang ilang opisyal at ahensya upang makatulong sa mga drayber at operator.


































Discussion about this post