Binigyang-diin ni Governor Trina Alejandra Q. Firmalo-Fabic ang pagpapatuloy at pagpapalawak ng mga programang pangkabuhayan at skills training sa lalawigan bilang bahagi ng kanyang mensahe para sa Araw ng Manggagawa ngayong Mayo 1.
Sa inilabas na pahayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon, kinilala ng gobernador ang papel ng mga manggagawa, mula sa sektor ng agrikultura at pangingisda hanggang sa serbisyo, konstruksyon, at negosyo, sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng lalawigan.
Ayon sa mensahe, kabilang sa mga prayoridad ng pamahalaang panlalawigan ang pagpapatibay ng mga programang makatutulong sa kabuhayan ng mga manggagawa, gayundin ang pagpapalawak ng oportunidad sa pamamagitan ng skills training upang mapalakas ang kanilang kakayahan.
Binanggit din ang patuloy na pagsusulong ng ligtas at makatarungang kondisyon sa paggawa, kasabay ng pagsuporta sa mga lokal na negosyo at produkto upang makatulong sa paglikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho.
Idinagdag sa mensahe na ang mga manggagawa ay may mahalagang ambag sa pag-unlad ng lalawigan, lalo na sa gitna ng mga hamon na kinakaharap sa kasalukuyan.



































Discussion about this post