Isang 54-anyos na lalaki ang nasawi matapos malunod sa ilog sa Barangay Lumbang Weste, Cajidiocan nitong hapon ng Huwebes, April 30.
Batay sa ulat ng Cajidiocan Municipal Police Station, nagpunta ang biktima kasama ang kanyang pamilya at ilang kaibigan sa ilog upang magpalamig dahil sa matinding init ng panahon.
Habang nasa kasagsagan ng inuman, nanatili umano sa tubig ang biktima. Saglit na umalis ang kanyang asawa upang magbayad sa tindahan, ngunit pagbalik nito ay nakita na lamang niyang nakalutang ang biktima at hindi na gumagalaw.
Agad na hinila ang biktima patungo sa pampang at humingi ng tulong sa barangay kapitan at iba pang residente.
Patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na mag-ingat sa pagligo sa mga ilog at iba pang anyong tubig, lalo na kung may kasamang pag-inom ng alak, upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.



































Discussion about this post