Naaresto kahapon sa Odiongan ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., ang apat na lalaki na wanted sa iligal na pagmimina ng mineral.
Kinilala ang mga suspek ng Odiongan MPS na sina Eduardo Fabila, 62-years old; Joel Rosa, 45-years old; Rogelio Rosa, 69-years old, pawang mga residente ng Barangay Pato-o; at si Mayonito Teologo, 53-years old, residente naman ng Barangay Dapawan.
Ayon sa police report, inaresto ang apat sa bisa ng isang warrant of arrest of nilabas nitong October 11 ni Judge Cirile Foja ng Municipal Circuit Trial Court Branch 005 dahil sa paglabag sa Section 103 ng Republic Act 7942 o mas kilalang Philippine Mining Act of 1995.
Nakakulong na ang apat sa Odiongan Municipal Police Station.
May pyansa silang P12,000.